BOMBO DAGUPAN – Palapit na naman ng palapit ang eleksiyon, madami na namang mga politiko ang nagpapabango ng kani-kanilang pangalan, nangangako na magserserbisyo ng tapat sa publiko subalit taliwas naman kapag nailoklok na sa puwesto.

Halimbawa na lamang ang mga kaniya-kaniya nilang palabas, mga paawa effect at siraan to the max para lamang bumango ang pangalan.

Ano nga ba talaga ang mapapala natin sa mga politikong ang alam lamang ay ang pansariling interes, Basta’t nakuha na ang gusto at napakinabangan na ang publiko ay para bang umutang at pagkatapos makuha ang kailangan ay “who you” ka na.

--Ads--

Panahon na para maging matalinong botante, maging mapili sa pagpili ng lider at dapat hindi pwede ang pwede na.

Tandaan malaking bahagi ng pag-unlad ng lipunan ang pagkakaroon ng mabuting pamunuan.