BOMBO DAGUPAN – Nakakalungkot isipin na tila ba’y mapapansin ka lamang kapag may napatunayan ka na. Isang reyalidad na kahit ano mang larangan ang pag-usapan ay pangkaraniwan na talaga sa Pilipinas.

Isa na lamang halimbawa ang kawalan ng opisyal na uniporme para sa Olympics golfer ng ating bansa matapos makita sa isang video footage na dinidikit lamang ang patch ng Philippine flag sa kanilang store-bought na uniform.

Improvised lamang at kung iisipin dalawa lamang ang golfers natin at bakit hindi pa kaya ng gobyerno na magprovide manlang ng maayos na uniporme para sa kanila.

--Ads--

Nakakahiya na mismong sa kanilang laro gamit ang double-sided tape ay ikinakabit ang isang patch ng bandila ng Pilipinas sa kanilang dibdib.

Ganyan na nga ba talaga ang pagpapakita ng suporta sa ating mga atleta na maski uniporme manlang ay hindi pa maibigay ng maayos.

Nakakatawa dahil kapag nanalo ka ay makakatanggap ka ng limpak limpak na salapi taliwas sa panahon na mas kailangan mo ito. At higit sa lahat mapapansin ka lang kapag nakapagbigay ka na ng dangal sa bayan subalit sa proseso ng hirap na pagdadaanan mo bago mo makamit ang tagumpay ay wala ka man lang matatanggap na sapat na tulong pinansiyal mula sa gobyerno.