BOMBO DAGUPAN – Nakakatuwa na lamang ang naging kasagutan ng kapatid ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela Guo sa senado patungkol sa kanilang naging pagtakas mula sa bansa.

Tila ba praktisado ang kaniyang mga sinagot at pawang ito ay kwestiyonable.

Dahil sino ba naman ang hindi may alam na ang iyong kapatid ay aalis ng bansa at ikaw ay sinama pa niya. Hindi ka manlang ba magtataka o mapapatanong manlang. Kesyo may sumundo daw sa kanilang bahay na van subalit hindi niya batid ang lugar kung saan sila ibinaba.

--Ads--

Aba, mukhang joke time ata kay Sheila ang senate hearing.

Imbes na ilahad nalang ang buong detalye ng pangyayari at aminin ang dapat aminin ay parang pinagtatakpan pa niya ang kaniyang kapatid.

Kung talagang walang kasalanan si Alice ay bakit hindi nalang siya lumantad, bakit hindi nalang siya sumuko at patunayang malinis ang kaniyang pangalan.

May sinusunod na legal na proseso ang batas sa bansa at hindi naman siya basta-bastang ikukulong hangga’t hindi napapatunayang guilty sa isang krimen o kaso.

Sana manlang ay mapabilis ang paghahanap sakanya at ang mga impormasyong ibinahagi ng kaniyang kapatid ay makatulong para makausad ang imbestigasyon.