Nagdulot ng saya at ligaya sa mga residente ng Pozorrubio ang pormal na pagbubukas kahapon ng kanilang bagong-renomadong playground sa Public Plaza.
Mas malawak, mas maganda, at mas maraming aktibidad ang naghihintay sa mga bisita sa pinagandang pasyalan.
Pinangunahan ng Alkalde ang pagbabasbas at ribbon-cutting ceremony, kasama ang mga opisyal ng munisipyo, ilang pastor na nagpanalangin para sa kaligtasan at kapakinabangan ng playground, mga Barangay Senior Citizens President at iba pang mga bisita sa bayan.
Ayon sa pamahalaang lokal, ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na mapabuti ang mga pasilidad para sa libangan at pagpapaunlad ng komunidad.
Layunin nitong magbigay ng ligtas at masayang lugar para sa mga bata at pamilya.
Nanawagan ang munisipyo sa lahat ng mga residente na alagaan at pahalagahan ang bagong pasilidad upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito.
Hinikayat din nila ang publiko na maging responsable sa paggamit ng playground at iwasan ang anumang gawain na maaaring makasira o makapagdulot ng dumi.
Naniniwala ang lokal na pamahalaan na ang pagtutulungan ng lahat ay susi sa pangmatagalang pagpapanatili ng kagandahan at kapakinabangan ng Pozorrubio Playground.