Mabilis at agarang naipatupad ng mga protocols ang pamahalaan ng New Zealand upang mapigilan na ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa naturang bansa dahil bumaba na ang kaso doon.

Sa katunayan ay bumaba na ang bilang ng naitatalang kaso doon, sa katunayan kahapon ay 2 kaso na lamang ang naitalang bagong kaso ng naturang sakit doon.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rommel Principe, pinoy nurse sa New Zealand, naging maaga umano ang pagpapatupad ng pamahalaan doon ng mga hakbang bago pa man magkaroon ng outbreak ng naturang sakit sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Aniya, agad na ipinasara ang mga boarders gayundin ang mga establisyemento, maagap din umano ang pag-trace sa mga nakakasalamuha ng mga positibo sa COVID-19, at ipinangako sa mga manggawa doon sasagutin ng gobyerno ng naturang bansa ang ilang porsyento ng sweldo ng mga apektadong empleyadong pansamantalang nawawalan ng trabaho dahil sa umiiral na lockdown doon.

Dagdag pa nito na noong naipatupad na mga direktiba ay agad na sumunod ang mga tao doon dahilan upang patuloy na ang pagtaas ng bilang ng mga nakaakrecover at bumaba na rin ang naitatalang kaso ng sakit sa nabanggit na bansa.

Dahil sa patuloy na pagbaba na nga kaso ng COVID-19, sa kasalukuyan ay nasa level 3 na ang naturang bansa at pwede na sila lumabas at unti-unti na umanong nagbubukas ang ibang establisyemento doon.

Gayundin ang patuloy na pagbibigay nila ng araw-araw na ulat tungkol sa mga naitatalang kaso ng naturang sakit sa kanilang lugar.