DAGUPAN CITY- Hindi napigilan ng pag-ulan ang pagdagsa ng publiko sa New Year’s Eve Ball Drop ng Estados Unidos bilang pagsalubong sa pagpasok ng Bagong Taon 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lexi Austria, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, napuno ng mga tao ang Time Square ilang oras pa lamang bago sumapit ang bagong taon.
Aniya, halos 12 oras bago ang pagpasok ng 2025 ay nakapila na ang mga tao at maging ang mga foreigners ay dinaluhan ito.
Dahil na rin sa libre ito ngunit ‘first come, first served’ para sa mga mauuna.
Nasaksihan naman sa nasabing event ang iba’t ibang performances na inihananda para sa publiko.
Samantala, naging mahigpit din ang seguridad upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo lalo na’t kanilang iniwasan ang pagkakaroon ng stampede, partikular na nang makaranas ng pag-ulan.
Isinara naman ng mga otoridad ang ilang daan upang maisaayos ang trapiko at hindi makaapekto sa New Year’s countdown.
Matapos naman ang countdown ay unti-unti rin nagsisialisan ang mga tao sa venue.
Pagdating naman para sa mga iba pang businesses, tulad ng restaurant at hotel, ay nagkaroon ng biglaang pagtaas sa kanilang presyo.