Isinuko na ng negosyanteng si Atong Ang, sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel, ang lima niyang baril sa mga awtoridad matapos bawiin ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office ang kaniyang firearms license.


Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, legal counsel ni Ang, naiturn over na ang mga baril sa Mandaluyong City Police Station kahapon, Enero 20.
Kabilang dito ang isang Colt rifle, 5.56 caliber; Glock 9 m; Sig Sauer 9 mm; Smith & Wesson .38 caliber; at Battle Arms Development (BAD) 9 mm pistol.


Hindi kasama sa isinukong baril ang .260 caliber BAD rifle ni Ang, na iniulat na nawala noong Oktubre 2025.

--Ads--


Ayon sa PNP, ang hakbang na ito ay bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng batas hinggil sa legal na pagmamay-ari ng armas at seguridad ng publiko.


Nanawagan naman ang ahensya sa lahat ng may lisensiyadong baril na sumunod sa mga regulasyon upang maiwasan ang anumang legal na problema.