Isa ka din ba sa mga mahilig mag-order online?
Usually, mga ilang araw bago ito dumating?
Kung may sukatan ang salitang “matagal,” tiyak na pasado rito ang karanasan ng isang negosyanteng Libyan na inabot ng 16 na taon bago matanggap ang kanyang inorder na Nokia cell phone.
Dahil tila nag-time travel ang isang mobile phone seller sa Tripoli matapos biglang dumating sa kanyang bahay ang isang shipment ng Nokia cell phones na inorder pa niya noong 2010.
Labing-anim na taon na ang nakalipas mula nang orderin ang mga ito, bago pa man sumiklab ang matinding civil war na nagparalisa sa logistics at customs ng bansa.
Sa viral video, pabirong tinanong ng negosyante kung mga gadgets pa ba ito o mga “historical artifacts” na, lalo na’t obsolete na ang mga ito tulad ng mga lumang Nokia Communicator.
Ang higit na nakapanghihinayang at ironic sa pangyayari ay parehong nasa Tripoli lamang ang warehouse kung saan niya ito inorder, na ilang kilometro lang ang pagitan nila sa isa’t isa.
Ngunit dahil sa tindi ng gulo at pagkakahati ng gobyerno sa Libya, inabot ng halos dalawang dekada bago naiahon mula sa alikabok ang package at naihatid sa kanya.
Nagsilbing simbolo ang insidente kung paano kayang patigilin ng digmaan hindi lang ang negosyo, kundi pati ang oras at normal na pamumuhay.










