DAGUPAN CITY– Nahaharap sa patong patong na kaso ang isang negosyante matapos magbenta ng overpriced na gatas sa bayan ng San Fabian Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj Francisco Castillo, hepe ng San Fabian PNP inaresto nila ang negosyanteng ito matapos na hindi tumalima sa utos kaugnay sa umiiral na prize freeze dahil sa covid-19 crisis.

Minsan na umano itong nabigyan ng warning matapos ang isinagawang inspeksyon ng market division Office ng bayan katuwang ang PNP dahil sa mataas na presyo nito sa kaniyang mga produkto ngunit ipinagpatuloy pa rin ang maling gawain.

--Ads--

Sa katunayan ay ipinasara na rin ang kaniyang pwesto ngunit nang magbalik ang operasyon nito ay patuloy pa rin ang mataas na bentahan nito sa kaniyang
produkto.

Hiwalay na kaso naman ang kakaharapin ng naturang negosyante na isasampa ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan at PNP.