DAGUPAN CITY- Ikinababahala ng Ban Toxic ang negatibong epektong dulot ng Gel Blaster partikular na sa mga bata.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tony Dizon, Campainer ng naturang samahan, ipinagbabawal na asa ibang bansa ang nasabing laruan dahil sa banta na hatid ng water expandable beads na siyang ginagamit na bala nito.
Matuturing aniyang Choking Hazard ang nasabing bala at maaari pang lumaki matapos malulon dahil sa pagiging expandable nito sa tubig.
Maaari din maexpose ang mga bata sa iba’t ibang sakit dahil sa kemikal na naroroon sa materyales nito na plastic.
Ikinababahala din nila ang ilang naitalang kaso na pagsabog ng battery ng laruang ito.
Kaugnay nito, nais isapubliko ng Ban Toxics ang mga negatibong epekto nito upang maiwasan nang maenganyo ang mga kabataan sa naturang laruan.
Maliban dyan, dahil sa materyales nito ay maaaring makaapekto sa kalikasan partikular na sa marine life.
Idinulog na din nila sa isang regulatory agency upang mabigyan na ito ng inspeksyon, monitoring, at magsagawa ng post-marketing pervalance upang masiguro kung rehistrado ito. At kung hindi man, nais nila itong makumpiska upang hindi na maabot ang pamilihan.
Ayon din kay Dizon, hindi umano ito dumaan sa pagsusuri ng Food and Drugs Association dahil walang seal mula sa nasabing ahesnya ang packaging nito.
Ang Gel Blaster ay isang battery generated toy gun kung saan rapid ang pagbaril ng water beads na bala nito.