Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na kanilang ni-raid ang bahay na pag-aari umano ni dating House Speakder Lord Allan Velasco at asawa nito ng si Rowena.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, na isinagawa ang raid noong Agosto 24 matapos na makatanggap sila ng impormasyon na may nakatago doon na mga matataas na kalibre na mga baril sa ilang bahay sa Valle Verde sa lungsod ng Pasig.
Dagdag pa ng NBI Director na agad silang nag-apply ng warrant at kanilang isinagawa ang search warrant kung saan lumabas na ang mga bahay ay pag-aari ng dating House Speaker.
Nakakuha sila ng mga baril, magazines , bala, basyo at Identification Card ng mga security personnel at mga kapulisan subalit walang mga pulis na nandoon.
Nakarehistro ang mga bahay sa ilang empleyado at kumpanya ni Velasco.
Hindi na binanggit pa ni Matibag kung ilan ang bahay subalit ang mga addresses ay tumugma sa binanggit sa affidavit ng dating security aide ni Velasco na si Rodulfo Gracioso na isinumite sa NBI ngayong buwanng Setyembre.
Magugunitang lumantad si Gracioso at sinabing nag-deliver ito ng mga maletang pera kay Vice President Sara Duterte at dating pangulong Rodrigo Duterte ganun din kay Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte mula 2018 sa pamamagitan ng utos ni Velasco.










