Ibinahagi ng National Bureau of Investigation o NBI Alaminos District Office ang patuloy na kanilang kampanya sa pagpuksa ng mga krimen o mga reklamo na kanilang natatanggap.

Ayon kay Atty. Fabienne Matib ang siyang Agent-in-Charge, NBI Alaminos City District Office na madalas sa kanilang nireresolba na mga krimen ay cybercrime, mga large scale estafa, human trafficking, child abuse at iba pa.

Dagdag din nito na marami rin silang natanggap na mga reklamo kaugnay sa mga nai-scam ng iba’t ibang uri ng pangloloko.

--Ads--

Aniya na sa pamamagitan ng information dissemination na kanilang ginagawa ay malaking tuloy ito upang maipaalam sa publiko ang kanilang mga hakbangin sa pagresolba ng mga kaso at pagtulong sa mga nangangaingalangan.

Kung kaya’t kaugnay nito ay nanawagan ang tanggapan na maaari sa kanilang makipag-ugnayan nang gayon ay matulungan at maaksyunan kaagad ng mga otoridad ang mga nangyayari sa kanilang palgid at ang paglaban sa mga illegal at krimen na gawain.