DAGUPAN CITY — Nanawagan ang National Bureau of Investigation Alaminos City sa mga biktima ng sekswal na pang-aabuso sa lalawigan sa loob ng isang pamilya na huwag matakot magsumbong sa otoridad upang matugunan ito.

Kamakailan ay nahuli sa bisa ng search warrant ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes Division sa kasong pang-aabusong sekswal sa isang 15-anyos na babae sa bayan ng Bolinao na kinasangkutan mismo ng kanyang stepfather at ina.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Fabienne Matib Agent-in-Charge ng nasabing tanggapan, na nagkaroon sila ng operasyon kasama ang NBI Division Office sa mismong tahanan ng dalawang suspek sa nasabing bayan sa kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness na may kaugnayan din sa Child Abuse.

--Ads--

Aniya na nagsumbong umano ang dalagita sa kanyang tiyahin sa Maynila na kaagad namang dumulog sa NBI Office sa nasabing lugar upang matugunan ang nasabing pang-aabuso.

Ito naman ay nagresulta sa pagkaka-aresto sa mga suspek na kinilalang sina Faustino Dispo, ang stepfather ng biktima, at Annaliza Ruizan, ang kanya namang ina.

Dalawang beses umanong ginagahasa ang dalagita ng kanyang amain lalo na kapag umuuwi ito galing eskwelahan habang ang ina nito naman ay nagsisilbing look out o nanunuod umano habang ginagahasa ang kanyang anak kung saan sinabi pa nito na sumunod ang dalagita sa pinapagawa ng kanyang amain.

Sa ngayon ang dalawang suspek ay nakapiit sa National Bureau of Investigation Manila sa Muntinlupa na ngayon ay humaharap sa kasong ipinataw sa kanila kung saan ang Statutory Rape ay walang piyansa habang ang Acts of Lasciviousnes naman ay may piyangsang P200,000.

Samantala, sinabi pa ni Matib ng madalang umano ang ganitong kaso sa kanilang nasasakupan ngunit patuloy nilang paalala na dapat kaagad magsumbong kung makaranas ng ganitong sitwasyon upang mabigyan agad ng solusyon para hindi na umabot sa mga negatibong pangyayari sa buhay ng biktima.