Dagupan City- Naagnas na nang matagpuang palutang lutang ang bangkay ng isang lalaki napaulat na nawala noong Enero 1 sa katubigan ng Alaminos City,
Ayon kay PCAPT. Jorlan Salcedo, Chief Operation, ng Alaminos City PNP, isang nagngangalang Armando Mesias Cabada, 54 taong gulang, may asawa, mangingisda, at residente ng Brgy. Telbang, Alaminos City, Pangasinan, ang nakakita sa biktima habang nangingisda sa nasabing teritoryal na katubigan
Sinabi ni Salcedo na nauna nang naireport ang pagkawala ng biktima noong Enero 1 habang naliligo sa Pantal, dito sa lungsod ng Dagupan.
Noong mawala ang lalaki ay nagsagawa ng koordinasyon ang mga tauhan ng estasyon sa ibang mga himpilan.
Ang bangkay ay tumugma naman sa paglalarawan ng natagpuang bangkay na posiitibong nakilala naman ng kanyang pamilya na si Christian Clores Ubando, 36 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Sitio Sabangan, Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.
Pinaniniwalaan na tinangay ito ng malakas na alon hanggang sa napadpad sa katubigan ng Alaminos city.
Matatandaan na napaulat na ito sa himpilan ng Bombo Radyo Dagupan na nawawala matapos manawagan ang kaniyang kapatid na si Ira Mae upang humingi ng tulong sa mabilisang paghahanap sa kaniyang kapatid.