Mayroon nang “item of interest” ang US Coast Guard sa Alaska habang patuloy ang kanilang paghahanap sa nawawalang maliit na eroplano na may lulan na sa 10 katao.
Ayon kay Benjamin McIntyre-Coble, officer ng Coast Guard sa Alaska, bagaman itinuturing nila itong “item of interest”, subalit, wala pa siyang ideya kung anong kagamitan ito.
Naitalang nawawala ang nasabing eroplano o ang Cessna 208B Grand Caravan aircraft, alas-4 ng hapon ng huwebes (oras sa Alaska) kung saan may sakay itong 1 piloto at 9 na pasahero. Nakatakda naman itong patungo sa Unalakleet.
Nawala na ito sa layo na 12 miles (19 km) mula sa karagatan ng nagyeyelong katubigan ng Norton Sound, bahagi ng Bering Sea.
Ani Coble, batay sa datos ng radar, nakaranas ng mabilis na pagbaba at bilis ang eroplano. Gayunpaman, hindi pa nila matukoy ang pinagmulan nito.