DAGUPAN CITY- Natagpuan na ang kamakailang napaulat na higit dalawang araw na nawawalang dalagita sa bayan ng Calasiao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jose Paris Jr., Barangay Captain ng Brgy. Nagsaing, nasa maayos na kalagayan ang 15 anyos na dalagita na si Angeline Zara.

Aniya, kabilang sila sa tinawagan ng Brgy. Doyong upang mabigyan ng suporta ang paghahanap sa dalaga.

--Ads--

Nakatanggap umano sila ng isang impormasyon na makikipagkita sa isang convenient store ang magsusurrender kay Zara.

Naibalik at nai-turn over naman sa mga opisyal si Zara nitong nakaraang araw, Setyembre 4 lamang.

At sa kasalukuyan, ligtas na at kasama na ng dalaga ang kaniyang mga magulang.

Ani Paris Jr., maaaring nagtampo lamang si Zara sa kaniyang mga magulang kaya hindi ito umuwi.