Nagsanhi ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa isang sitio sa Barangay Toboy sa bayan ng Asingan ang pagkakatumba ng isang malaking puno ng mangga dahil sa epekto ng bagyong crising.
Bumagsak ang puno sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin sa isang compound sa sitio libsong west kung saan natamaan ang linya ng kuryente kaya nawalan ng supply.
Nagdulot din ito ng pansamantalang hindi madaanang lugar ng mga naninirahan sa loob ng nasabing compound.
Agad naman itong itinawag ng kanilang barangay officials sa kinauukulan hanggang sa nirespondihan ito ng mga tauhan ng Panelco para sa mabilis na pagsasaayos ng supply ng kuryente habang sa tulong ng
Mdrrmo asingan ay pinutol na ang puno gamit ang chainsaw para hindi na maging problema sa mga tao sa lugar.
Sa ngayon ay naibalik na ang kuryente sa lugar at wala namang malaking pinsala o naiulat na nasaktan sa nasabing pangyayari.