DAGUPAN CITY- Nagkasundo ang mga lider ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa The Hague Defence Investment Plan para mas palakasin ang depensa ng alyansa laban sa mga banta tulad ng Russia, terorismo, at cyberattacks.
Ayon kay NATO Secretary General Mark Rutte, maglalaan ang bawat kasaping bansa ng 5% ng kanilang GDP para sa depensa, kung saan 3.5% ay para sa pangunahing kagamitan tulad ng armas, tangke, drones, at sundalo, habang 1.5% naman para sa suporta sa seguridad.
Pinagtibay din ng NATO ang kanilang matibay na suporta sa Ukraine.
Binanggit ni dating Pangulong Trump na committed pa rin ang Amerika sa NATO, ngunit hinihikayat ang Europa at Canada na mas tumulong sa gastusin at responsibilidad.
Kasama sa plano ang pagpapalakas ng industriya ng depensa, na makakatulong din sa paglikha ng maraming trabaho.
Samantala, inihayag naman ng Pangulo ng Ukriane na si Volodymyr Zelensky ang kaniyang pasasalamat sa pagtulong para mapanatili ang kapayapaan.
Aniya, malaking bagai ang suporta ng grupo lalo sa kanilang mga sundalo.
Malaking ginhawa rin ang pagiging bukas ng NATO pagdating sa mga usaping politikal.