Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang National volunteer month and in support of the campaign to end VAWC sa Pangasinan State University Lingayen.
Kung saan, nilahugan ito ng 9 na Campus ng PSU sa layuning “TatakBOLUNTIR Fun Run and Volunteerism Exhibit”.
Ayon kay Rezale Resultay – Vice President, Research Extension and Information, ito umano ang kauna-unahang programa ng unibersidad na may layuning ipaalam ang kanilang adbokasiya patungkol sa bolunterismo.
Sa katunayan nasa 600 ang lumahok at nagparehistro sa Fun Run. Itinaon din nila ito sa annual celebration na Research Extension, Innovation, and Gender and Development Week.
Marami rin umanong mga nakalinyang aktibidad patungkol naman sa Gender and Development at CommuniVersidad Outreach and Volunteer Program.
Aniya na sa pamamagitan ng programang ito, inaasahan nila ang mga estudyante na maitatak saknilang isipan ang kahalagahan ng bolunterismo.
Para naman kina Alvin De Vera at Raymond Gonzalo mula sa PSU Lingayen Campus na siyang mga naguna sa 10KM Run, pinupuntahan nila lahat ng imbitasyon ng Fun Run at maging ang mga nakikita nila sa social media ay kanilang sinasalihan dahil sa layuning mapabilang sa National Team kaya naman patuloy lamang kanilang pag-eensayo.