Nakatakdang maghain ng petition sa Korte suprema ngayong linggo ang National Union of Peoples Lawyers para kuwestyunin ang constitutionality ng kontrobersyal na Anti-Terror law.

Sa ekslusibong panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Atty. Neri Colmenares, national chairperson ng National Union of Peoples Lawyers o NUPL, pinapalagan nila ang batas dahil may impact ito sa mga mamamayang Pilipino.

Ilan sa mga tinututulang bahagi ng batas ay pagbibigay ng kapangyarihan sa Anti-Terrorism Council na magdeklara kung sinu-sino ang mga terorista kahit na hindi sila korte.

--Ads--

Giit niya na puwedeng gamitin ang terror law sa mga ordinaryong protesta.

Tiwala naman siya na sa dami ng mga nagproprotesta ay tiwala siyang mahihirapan na maipatupad ang nasabing batas.

Kinuwestyun ni Colmenares si senador Ping Lacson na may akda sa kontrobersyal na batas.

Aniya, napakalawak ng mga probisyon nito at maaaring magamit sa mga karaniwang mamamayan gaya ng mga kritiko.

Duda siyang mababantayan ng senador ang pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa niya na bago sana ipinasa ang batas ay dapat inimbitahan ang mga taga oposisyon kung tunay na intrisado sila sa kapakanan ng mamamayan.