Dagupan City – Nagpaalala ang National Telecommunication Commission (NTC) sa publiko hinggil sa naglilipanang mga text scams kahit may sim registration na sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Ana Minelle Laxamana, Legal Officer ng National Telecommunication Commission, mahalaga na sumailalim ang bawa’t sim card users sa sim card registration.

Aniya, dito kasi ay nadedetect ng kanilang ahensya ang mga databse ng mga users at malalaman kung may ginagawa ba itong ilegal na gawain.

--Ads--

Binigyang seguridad naman nito ang publiko na nag-aalala sa pagkakakilanlan nila sa ilalim ng panukala na ito ay protektado ng data privacy act, nangangahulugang hindi maaring ibahagi ang kanilang personal na impormayson.

Kaugnay nito, bagama’t may mga awtomatikong nagsisilabasan na mga text scams, ipinaalala ni Laxamana na ireport ito agad, iblock, at kung maari ay huwag buksan ang kanilang ipinadalang mensahe.Dahil aniya, maaring may link ito na naglalaman na pwedeng makakuha ng mga save passwords sa bawa’t accounts.

Samantala, kapag may mga indibidwal naman o text messages na natatanggap na sinsasbaing naghahanap ang NTC ng lupa na siyang pagtatayuan nila ng tower, sinabi ni Laxamana na wala itong katotohanan at walang isinasagawang panibagong proyekto ang kanilang departamento.

Ipinaliwanag naman nito na ang mga nangyayaring text scams, identity theft at iba pang klaseng scams ay hindi na nila sakop, bagkus ay agad itong ireport sa Bureau of Investigation at sa hanay ng kapulisan upang isagawa ang imbistigasyon.