DAGUPAN CITY–Bukas umano si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr sakaling makipagtulungan ang National Intelligence Coordination Agency o NICA sa paghuli sa mga preso na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA Law.

Itoy matapos ipatigil muna ng Department of Justice (DOJ) ang pag-aresto ng PNP sa mga hindi pa sumusukong convict na napalaya dahil sa GCTA.

Sa eksklusibong panayan ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon sinabi nito magiging mas madali ang paghuli sa mga ito kung tutulong ang NICA lalo’t ito ang pinakamataas na intelligence agency sa bansa .
Mas magiging mabilis aniya ang paghuli sa mga ito kung sila’y magtutulong-tulong katuwang ang kapulisan na siyang nagsisilbing tracking team.

--Ads--

Naniniwala naman si Esperon na ilan sa mga napalaya dahil sa GCTA ay nasa ibang bansa na lalo’t hindi aniya ito imposibleng mangyari.

Nauna rito napag-alaman na sa mahigit 1,914 na sumuko ay may ilan sa naturang bilang ang hindi naman daw talaga kasama na napalaya dahil sa GCTA.