Inamin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na may natatanggap silang impormasyon kaugnay sa pagkakaroon ng mga opisyal at miyembro ng New Peoples Army na mula rito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Esperon na may natatanggap silang impormasyon bagamat hindi alam ang mga pagkakakilanlan  ng mga ito.

Maari din aniya na  miyembro ang mga ito ng  Ilocos o Cordillera Revolitionary Committee .

--Ads--

Nauna rito kinumpirma ng  Philippine Army dito sa lalawigan ng Pangasinan  na may ilang mga opisyal at miyembro ng NPA Units na nag ooperate sa mga karatig lalawigan ay mula mismo dito sa ating probinsiya.

Nagmumula ang mga ito sa  mga bayan ng  Natividad, San Quintin at San Carlos. Kinilala niya ang mga ito na sina Rommel Tucay, Eldrin Muñoz, Ronnie Garbida alyas “Miro” at Romulo Gallardez.  

Ang pagkakaroon  umano ng mga opisyal at miyembro nito ay  sa kadahilanan na dito sa ating lalawigan itinatag ang Communist Party of the Philippines o CPP noong taong 1968.

Nabatid na Noong taong 2017 nang huling makapagtala ng report ukol sa pagkakaroon ng presensiya ng  NPA dito sa Pangasinan.