Pinatalsik bilang kasapi ng National Press Club of the Philippines (NPC), pinakamalaking organisasyon ng mga aktibong membro ng press, si Jaime Aquino, dating provincial correspondent ng Pangasinan sa Manila Times.
Inanunsyo ni NPC president Paul Gutierrez sa ginanap na joint press conference kasama sina Palace Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director, Presidential Task Force on Media Security at Atty. Freddie Villamor, na si Aquino at kanyang grupo sa Pangasinan ay inakusahan na gumawa ng mga gawa gawang mga kasong rape na nagreulta sa pagkakakulong ng siyam na buwan sa Pangasinan ng client ni Villamor na si Arkie Manuel Yulde.
Si Yulde, na isang critico ng isang pulitiko sa Quezon, ay ikinulong dahil sa aligasyon na rape at kidnapping cases na umanoy gawa gawa lang ng grupo ni Aquino na ikinasira ang kanyang pangalan at reputasyon sa media at dahilan ng hindi napapanahong pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Napalaya lamang si Yulde kamakailan lang makaraang magpresinta si atty. Villamor ng mga ibidensya na nagpapatunay na peke ang mga kasong iniharap sa kanya gayundin ang umanoy kanyang biktima.
Matatandaan na si Aquino at kanyang grupo na binubuo ng kanyang live in partner, at ilang mga tiwaling membro ng Pangasinan press, ang nasa likod din ng mga gawa gawang kaso laban kay Cagayan Export Zone Authority (CEZA) administrator at Northern Luzon presidential adviser, Secretary Raul Lambino at asawang si Mangaldan mayor Marilyn Lambino.
Una rito, inakusahan si Lambino ng 10 counts of rape, child abuse at serious physical injuries habang ang asawa ay pinagharap din ng abuse of authority, grave misconduct, dishonesty at oppression sa Office of the Ombudsman, ng dalawang dating kasambahay.
Ngunit, lumabas sa imbestigasyon na ang lahat ng akusasyon sa mag asawang Lambino ay gawa gawa lang ni Aquino.
Natukoy na ang totoong pagkakakilanlan ng mag inang kasambahay na naghain ng reklamo na sina Rosela at Rowena Cuyos Tabano, na napaulat na katulong ng mag asawang Lambino mula January 2019 hanggang June 2021 ay ginamit lamang.
Ginamit din niya ang isang Prof. Salvador de Guzman, pinuno ng ‘Citizen Movement Against Crime, Corruption Illegal Drugs and Gambling, Inc. na sinasabing nilapitan ng mga complainant ngunit base sa imbestigasyon ay iisang tao lang sina Aquino at de Guzman at hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) at ginamit lang niyo sa kanyang pangingikil at pamba black mail sa kanyang mga biktima.
Nabatid na inalis na rin ng isang malaking pahayagan si Aquino epektibo noong Enero18, 2022, dahil sa mga gawa gawa niyang mga kuwento.
Pang apat na si Aquino na membro ng NPC na tinanggal sa nasabing organisasyon dahil sa gross violation of the Journalist Code of Ethics and its policies mula noong 2016.