Istriktong nagpapatupad ng mga regulasyon ang National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga poultry products sa rehiyon uno kaugnay sa pagkalat ng avian influenza.

Ayon kay Orlando Ongsotto, ang Technical Director ng naturang ahensya, sa kanilang pagsasagawa ng sorpresang inspeksyon sa mga pampublikong merkado, sumusunod naman aniya ang mga tindero sa kanilang mga palatuntunin at nakapagpresinta naman ang mga ito ng inspection certificate.

Ito ay kanilang isinagawa upang tiyaking nanggagaling sa mga bansang aprubado ng World Organization for Animal Health (OIE) ang mga ini-import na karne.

--Ads--

Bagaman hindi umano ganoon karami ang mga imported na produkto, diin ni Ongsotto na kung hindi susunod sa kanilang itinakdang regulasyon ang mga nagtitinda ay mapipilitan ang mga itong kumpiskahin ang kanilang produkto.

Sinisiguro naman niyang ligtas ang mga imported na poultry products tulad ng karne ng manok at baboy na ibinebenta sa mga pampublikong merkadong kabilang dahil hindi naman aniya papayag ang gobyerno na magpasok ng mga produktong galing sa mga bansang apektado ng avian influenza.

Pagbibigay linaw pa ni Ongsotto na nariyan naman ang Department of Agriculture (DA), OIE at ang kanilang ahensya upang bantayan ang mga produktong ito at patuloy ang kanilang pagbibigay ng impormasyon patungkol sa naturang virus.

TINIG NI ORLANDO ONGSOTTO


Dagdag pa ni Ongsotto na base sa kanilang naging monitoring ay wala naman silang naitalang baboy o manok na nagpapakita ng sintomas ng avian influenza.

Kaugnay nito ay naghihigpit na rin ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa pagbabantay ng upang walang makalusot na karneng apektado ng naturang virus.