Ikinalungkot ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA Region 1 ang pagtapias sa kanilang pondo na dapat kaagapay sa pagunlad ng bansa.

Ayon kay Mildred Abordo ang Regional director ng NICA Region 1, hindi nagkulang si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) vice chairman Hermogenes Esperon sa pagsumiti ng report kung paano nagastos at nagamit ang P16-billion na bahagi ng kanilang budget para tulungan ang mga komunidad ngayong taon.

Gayunman sa kabila ng pagtapias ng pondo ng pondo, tiniyak ni Abordo na tuloy ang NTF ELcac sa paghahatid ng mga proyekto.

--Ads--

Giit nya na wala silang paboritong gobyerno at ito ay para sa lahat at pagkasyahin kung anong meron na ibibigay sa kanilang pondo.

Una rito ay binawasan ng P24 bilyon na budget sa susunod na taon ang NTF-ELCAC.

Nabigo umano ang ahensya ng ipaliwanag kung paano nila nagastos ang P16-billion na bahagi ng kanilang budget para tulungan ang mga komunidad ngayong taon.

Nabatid na mayroon sanang nakalaan na P30.45-billion na proposed budget ang NTF-ELCAC para sa 2022 base na rin sa General Appropriations bill.