Dagupan City – Patuloy ang isinasagawang kampaniya ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pagbibigay ng kaalaman sa publiko patungkol sa bansa o ang tinatwang na national intelligence at iba pang usapin upang makamit ang kapayapaan sa Pilipinas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gen. Manny Orduña, Asst. Director General for operation ng NICA, layunin ng kanilang ahensya na mangibabaw ang pagkakaisa sa bansa, kung saan ang nagsisilbing focal point nito ay ang pagbibigay ng kaalaman sa mga lokal at dayuhan na sitwasyon na siyang nagsisilbing input at gabay sa pag-di desisyon ng bawa’t indibidwal.
Prayoridad dito ay ang mga kabilang sa vulnerable sector na kinabibilangan ng mga studyante, mga nakatira sa liblib na lugar o ang tinatwag na katutubo, at ang mga geographcically isolated and disadvantage areas kung saan ay karamihan sa mga armadong Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) ay nagmumula doon.
Sa katunayan pa aniya, sa ilalim ng Executive Order No.70 ang dating 89 active guerrilla NPA fronts ay naging 2 na lang. Kung kaya’t maituturing na malaking ambag ang naturang reolusyon sa pagsupo ng mga grupo na nagdudulot ng pagkasira ng kapayapaan sa bansa.
Nauna nang binigyang diin ni Orduña na hindi solusyon ang dahas sa pagkamit ng karapatan at hindi dahilan ang pag-apak sa karapatang pantao para makamit ang ‘kalayaan’.
Samantala, sa patuloy namang ginagawang pang-haharass ng Chinese Coast Gurad sa mga Pilipino sa West Philippine Sea, sinabi nito na patuloy na naninindigan ang bansang Pilipinas sa sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na ang Pilipinas ay friend to all, and an enemy of none, kung saan ay may layunin itong resolbahin ang bangayan sa mapayapang paraan.