Nais maipakita ng grupong National Federation of Peasant Women hindi lamang ngayong buwan ng kababaihan ang malaking papel na ginagampanan ng mga magsasakang babae sa produksiyon ng sakahan.
Ayon kay Zen Soriano Chairperson, National Federation of Peasant Women layunin ng grupo na mag-organisa ng malawakang rally ngayong buwan kalahok ang mga kababaihang magsasaka partikular na sa mga kanayonan dahil sila ang may pinakamalaking populasyon sa bansa.
Aniya na sakabila ng kanilang papel na ginagampanan ay patuloy parin na naghihirap ang mga ito sa kabila ng pagtatrabaho sa bukid.
Ito marahil ay sa kawalan ng suporta o mga subsidiya gayundin ang kawalan ng tulong mula sa gobyerno para paunlarin ang sektor ng agrikultura.
Bukod pa dito, kalimitang ang proyekto ng gobyerno ay napapakinabangan lamang ng mga negosyanteng dayuhan o ang mga mayayaman.
Kaya’t panawagan nito na dapat ay mabigyang pansin ang nasabing usapin at ang kaunlaran ng mga mamamayan ang dapat unahin.
Dapat ay maibalik na ang mas mataas na taripa na sinisingil sa mga importer higit pa doon dapat ay matigil na ang importasyon.
Pagbabahagi pa niya na kung tutuusin ay kaya namang likhain ang pangangailangan ng bansa pagdating sa pagkain subalit hindi nabibigyan ng sapat ng tulong ang mga magsasaka kaya’t humihina ng produksyon.
Patuloy parin ang panawagan ng mga ito na paunlarin ang sakahan, magbigay ng subsidiya at dapat mapababa ang presyo ng mga bilihin.
Umaasa din ito na susuportahan ang kanilang kilos at panawagan na maitaas ang presyo ng palay sa bansa.