Dagupan City – Ipagdiriwang ang National Correctional Consciousness Week ng mga Female PDL’s o persons deprived of liberty sa mg darating na linggo ngayong Oktubre sa bayan ng Urdaneta sa may lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay J02 Lorena C. Coquia, ang Unit Chief, Community Relations Service Officer ng Urdaneta District Jail Female Dormitory, mayroon na lamang 33 female PDLs sa kanilang lugar, kung saan ang dating apat na dormitories na available ay dalawa lamang nag nagagamit dahil sa pagkaunti ng mga kababaihang nakapiit sa lugar.

Ginawa rin aniyang isang buwang selebrasyon ang nasabing pagdiriwang kung saan magkakaroon ng ibat-ibang serbisyo na nakatuon sa mga kababaihan sa nasabing pasilidad tulad ng medical at dental mission, legal consultation at iba pa.

--Ads--

Daggad nito, nitong mga nakaraang buwan ay nagsagawa ng ilang mga programang nakatuon ang mga PDL’s tulad ng trainings na nagbibigay ng sertipikasyon. Nagbigay din ng allowance na nagkakahalaga ang 160 pesos kada araw na nagamit sa personal na pangangailangan at nakatulong sa mga kkamag-anak sa labas.

Mayroon ding programang ibinibigay sa mga nakapiit kung saan ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay maaaaring magkaroon ng pagkakataon upang makapag-aral sa tulong ng About Alternative Learning System (ALS) Program,

Ang nasabing programa at maaaring pumukaw ng public interest, pansin at kanilang re-integration sa pagbabalik nila sa lipunan.
Kasama din sa pagdiriwang ang kanilang pagppromote ng kanilang mga livelhood products.

Kaugnay naman sa gaganaping 2025 elections, nakipag-coordinate na ang pasilidad sa COMELEC Urdaneta, upang iparehistro ang mga nasabing nakapiit. Sa nagyon ay mayroong 7 na residente ng Urdaneta na nakapagpa-rehistro.

Magkakaroon rin ng isang voter’s precinct sa lopb ng piitan kung saam maaaring bumoto ang mga babae at lalaking PDLs.

Nagpaalala naman ang mga opsiyal sa mga dadalaw sa loob ng piitan na sundin ang mga palatuntunan at ilang mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan. (Luz Casipit)