BOMBO DAGUPAN -Inilatag ni Mayor Ricardo Balderas ng bayan ng Laoac sa lalawigan ng Pangasinan ang mga malalaking proyekto na natapos na at kasalukuyang ginagawa sa kanilang bayan.
Ayon kay Mayor Balderas, kabilang dito ang Rural Health Unit extension kung saan ang phase 1 ay pinondohan ng P4 million habang ang phase 2 ay may budget na P2 million.
Aniya, patapos na rin ang Sangguniang Bayan building na pinondohan ng halos P5 million at mas pinaganda pa ang kanilang gym na may P4 million na budget.
Nagpapatuloy din ang iba pang mga infrastructure project gaya ng barangay road.
Maliban pa riyan ang pondo na manggagaling sa provincial government.
Kaugnay nito ay nagpapasalamat ang alkalde sa lahat ng tulong at suporta mula sa mga ibat ibang ahensya at congressional district para sa pagsasakatuparan ng kanilang proyekto.