Dagupan City – Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Philippine National Police kaugnay sa pagpatay sa isang lola na natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Barangay Pangascasan, Bugallon.
Ayon sa ulat, nadiskubre ang biktima na nakahandusay.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at isinagawa ang paunang imbestigasyon sa lugar ng insidente.
Batay sa initial findings ng mga awtoridad, lumalabas na nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kaliwang bahagi ng leeg na pinaniniwalaang naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Wala pang inilalabas na detalye ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng biktima habang isinasagawa ang beripikasyon at pakikipag-ugnayan sa mga kaanak nito.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo sa likod ng pamamaril.










