DAGUPAN CITY–Tila may paramdam na o premonition umano ang driver ni dating Governor at dating congressman Amado Espino Jr na nasawi matapos tambangan ang kanilang convoy sa bahagi ng Brgy Magtaking San Carlos City.

Isa si Agapito Cuison sa nasawi sa pag-ambush sa sasakyan ng dating opisyal ng lalawigan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ginang Vitalyn Cuison, emusyunal nitong ibinahagi ang mga huling sandali ng kaniyang asawa bago masawi.

--Ads--

Noong huling uwi umanong umuwi ang asawa sa kanilang tahanan ay sinabihan pa nito ang kuya niyang may sakit na mahal na mahal niya ito at mga pamangkin.

Sinabihan din umano siya ng mister na aabutin pa niya ang edad na 70 pero ayaw niyang pahirapan ang asawa at mga anak.

Sa mga huling oras naman aniya ng buhay ng asawa, hindi na nila ito nakausap matapos operahan kundi tanging ang pag-inom ng tubig at pag-uwi na sa kanilang tahanan ang hiling nito.

Napag-alaman na inulila ni Cuison ang kaniyang asawa at apat na anak.