Hiling ngayon ng pamilya ng nasawing bodyguard ni dating Pangasinan Governor at Representative Amado Espino Jr na makamit ang hustisya sa pagkamatay nito matapos tambangan ang convoy ng dating opisyal sa Brgy Magtaking San Carlos .
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tino Esguerra, ama ni Staff Sergeant Richard Esguerra mula sa Brgy Gayaman Binmaley nais nilang makamit ang karatungan sa sinapit ng anak at hiling na sanay lumantad na ang mga suspek na nasa likod ng naturang pananambang.
█ Nawalang bodyguard ni dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. sa kasagsagan ng ambush sakanila sa San Carlos City, hindi itinuturing na suspek ng PNP
█ Chasis at engine number ng mga narekober na sasakyan na nagsilbing getaway vehicle ng mga suspek sa pananambang kay Former Gov. Amado Espino Jr, inaalam kung tampered
█ Security escort na nagbabantay ngayon sa kaligtasan ni dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr dinagdagan pa
Hindi umano nila lubos akalain na ganito ang sasapitin ng anak na ginagampanan lang ang tungkulin lalot isa aniya itong mabait na tao.
Patunay aniya rito ang mga papuri na kaniyang naririnig mula sa kaibigan ng mga anak na dumadalaw sa burol nito ngayon sa kanilang tahanan.
Siya aniya bilang ama ni Richard , ay walang masabing hindi maganda dahil isa itong masunurin at mabuting anak.
Bilib din umano siya rito dahil sa mga huling sandali ng kaniyang buhay ay inialay niya ang sarili sa pagganap sa tungkulin.
█ Nasawing driver ni dating Pangasinan Gov Amado Espino Jr matapos tambangan ang kanilang sasakyan may premonition bago mamatay
█ Tracing ng SOCO sa mga nakuhang ebedinsiya kaugnay sa pag-ambush sa convoy ni dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr on going na
█ Driver ni dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., tuluyan ng binawian ng buhay
Napag-alaman na si Esguerra ay pangalawa sa anim na magkakapatid at pinangarap na noon pa ang maging isang pulis.
Nakaasign din ito sa Infanta PNP bukod pa sa pagiging aid ni dating Governor Espino na mahigit isang taon na ring nanunungkulan sakaniya.
Matatandaan na dead on the spot si Esguerra matapos silang tambangan noong hapon ng Miyerkules ng mga di pa nakikilalang suspek .