Pumalo na sa 47 katao ang nasawi dahil sa pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa Indonesia.

Ayon sa National Disaster Management Agency (BNPB) na inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi kung saan marami pa rin ang sugatan sa insidente.

Ilang mga gusali rin ang nagtamo ng matinding pinsala dahil sa nasabing lindol.

--Ads--

Ang nasabing pagyanig ay sinundan pa ng magnitude 6.1 na aftershock.

Ilang residente sa lugar kung saan nangyari ang lindol ang pinalikas na rin ng mga otoridad.

Patuloy pa rin na hinahalughug ng mga opisyal ang mga gusaling napinsala para mahanap ang mga natabunan dahil sa lindol.