Nasa humigit kumulang 230,000 na mga residente sa Japan ang inilikas dahil sa magkakasunod na mga tsunami kasunod ng pagsabog ng bulkan sa Tonga.
Ayon kay Bombo International Correspondent Myles Briones Beltran mula sa Japan dahil sa naturang isidente ipinag-utos ng kanilang pamahalaan na ilikas ang kanilang mga mamamayan upang maiwasan ang anumang casualties dulot ng nabanggit na insidente.
Nasa 229,000 sa walong lugar sa nabanggit na bansa ang inabisuhan ng kanilang Fire and Disaster Management Agency kabilang na rito ang Aomori, Iwate, Miyagi, Chiba, Tokushima, Kochi, Miyazaki and Kagoshima.
Nauna na rito ay naglabas ng tsunami advisory ang kanilang bansa sa kahabaan ng Hokkaido at Okinawa.
Nagpapasalamat naman si Beltran na walang naitalang casualties dulot ng tsunamis at walang naantalang transakyon matapos nito.
Sa ngayon pinayuhan ng gobyerno ng nabanggit na bansa ang kanilang residente na manatili muna sa kanilang pinaglikasan habang hindi pa humuhupa ang pag-alboruto ng bulkan sa Tonga na makakaapekto sa faultline sa nabanggit na bansa.