DAGUPAN, CITY – Nasa mahigit 42 milyon na ang naka-boto sa isinagawang early voting sa US midterm elections ngayong taon.
Ayon kay Bombo International Correspondent Isidro Madamba Jr. mula sa California, USA, mula nang magsimula ang maagang pag-boto ng mga botante noong Oktubre 29 sa nabanggit na eleksyon, ay marami na ang maagang gumawa nito lalo na at magandang pagkakataon na ito upang miawasan umano ang pagdagsa ng mas marami pang tao sa gaganaping eleksyon ngayong araw.
Aniya, nakikita umano na ang malaking bilang na ito ay upang ang pagtaas pa ng interest ng mga mamamayan sa mga nagaganap na socio-political issues sa kanilang lugar.
Ito ay ang kontrobresyal na gun-control law, ang pagbaliktad sa desisyon sa Row v Wade, pagtaas ng inflation, at iba pang napapanahong mga paksa.
Malaki umanong impluwensya sa nabanggit na eleksyon ang pamumuno ng kasalukuyang presidente na si Pangulong Joe Biden lalo na sa mga batas o kakayanan nito sa pamumuno sa ngayon sa US.
Mapapansin kasi na malaking bilang o nasa 81% ng mga mamamayan ngayon batay sa isang survey na nagsasabing “disatisfied sila sa pinapakitang liderato ni Biden habang nasa 19 lamang ang satisfied sa kanya.
Matatandaang sa nabanggit na eleksyon ay pipili ang mga botante sa nabanggit na bansa ng kanilang mga lider sa senador, kongresista, gobernador at iba pang mga lokal na posisyon.