DAGUPAN CITY – Nahaharap sa patung patong na mga kaso ang sinuspinding nars mula sa Sydney, Australia na lumabas sa isang video na nagbanta sa mga pasyenteng Israeli.

Ang 26 anyos na si Sarah Abu Lebdeh ay nahaharap sa tatlong kaso: pagbabanta ng karahasan sa isang grupo, paggamit ng carriage service upang magbanta ng pagpatay, at paggamit ng carriage service upang mang-haras.

Si Lebdeh at isa pang lalaki ay pareho ring sinuspinde mula sa kanilang mga tungkulin sa matapos mailabas ang video – na kinunan sa isang hindi kilalang online platform at ipalabas ito online.

--Ads--

Sa footage, na tila kinunan sa loob ng isang ospital at ipinalabas ng isang Israeli content creator, makikita si Lebdeh at ng kanyang kasama na si Ahmad Rashad Nadir na nagyabang sa hindi pagtanggap sa mga pasyenteng Israeli, pinagbantaang papatayin at sinabihan na pupunta sila sa impyerno.

Ang video ay mabilis na kumalat online at nagdulot ng public outcry, kung saan inilarawan ito ni Prime minister Anthony Albanese na kasuklam-suklam at marumi.

Samantala, pinalaya matapos magpiyasa si Lebdeh pero magbabalik sa korte sa ika19 ng Marso.

Noong unang bahagi ng buwang ito, nagpasa ang Australia ng mas mahigpit na mga batas laban sa mga hate crime kasunod ng isang serye ng hindi magkakaugnay na antisemitic na mga atake.