DAGUPAN CITY- Ipinaparanas umano ng easterlies ang maalinsangan at mainit na panahon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration-Dagupan City, nanggagaling ang easterlies o maalinsangan na hangin sa pasipiko.

Ito umano ang nagdudulot ng monsoon break o sa kategoryang northwest monsoon na aabot hanggang sa ikalawang linggo ng oktubre.

--Ads--

Aniya, dahil dito ay inaasahan ang pagpasok ng wind shifting sa mga susunod na linggo.

At sa ngayon ay localized thunderstorms ang nararanasan ng lalawigan partikular na tuwing pagsapit ng hapon.

Gayunpaman, normal lamang na nararanasan ngayon ang mainit na nararanasan at panaka-nakang panahon.

Samantala, sa kasalukuyan ay wala pang nakikitang sama ng panahon na namumuo sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.