Pinawi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang pangamba ng publiko kaugnay sa ilang araw ng nararanasang high tide o mataas na lebel ng tubig sa iba’t ibang palaisdaan dito sa Pangasinan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay BFAR-NIFTDC Center Chief Director Westly Rosario sinabi nito na walang masamang epekto ang high tid. Aniya, hindi dapat pangambahan ang spring tide o tidal fluctuation dahil isa umano itong natural phenomenon.

Ibig sabihin, normal lamang ito kahit pa ilang beses aniyang maranasan.

--Ads--

Giit ni Rosario, pagdating sa usapin ng aqua culture ay maganda ang dulot ng nasabing high tide dahil napapalitan ang maruming tubig at nakakatulong din ito sa food production lalo na sa pagpaparami o pagcuculture ng mga isda.

Samantala, inihayag ng opisyal na tumatagal ang high tide ng tatlo o apat na araw, depende aniya sa lagay ng panahon. with report from Bombo Lyme Perez