Dagupan City – Patuloy ang isinasagawang paglulunsad ng programa at aktibidad ng NAPOLCOM Pangasinan bilang pagpapaigting ng ugnayan ng hanay ng kapulisan at mamamayan ngayong ika-30th Police Community Relations Month.
Ayon kay Atty. Philip Raymund Rivera, Provincial Head ng Napolcom Pangasinan marami silang nakalatag na mga programa at aktibidad gaya na lamang ng mga seminar, pagbabahagi ng kanilang layunin sa 48 lugar ng probinsya at pagsasagawa ng crime prevention symposium.
Kung saan ibinabahagi nila sa mga mamamyan ang pagsugpo sa krimen, na siyang ring responsibildad ng ordinaryong mamamayan para magkaroon ng ligtas na bayan.
Sa katunayan aniya, malaki ang naitutulong ng kumunidad sa mga kapulisan. Gaya na lamang aniya ng ginawa ng mga mangingisda inireport kaagad sa mga kapulisan ang natangpuang mga ilegal na droga sa baybayin ng Western Pangasinan.
Samantala, ibinahagi rin nito ang kahalagahan ng Police Community Relations (PCR) sa pagpapatakbo ng pulisya sa isang bayan kung saan ay tumutukoy ito sa mga relasyon at interaksyon sa pagitan ng mga pulis at ng mga residente na kanilang pinagsisilbihan.