DAGUPAN CITY- Muling magsasagawa ng Philippine National Police Entrance at Promotional Entrance Examination ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Atty, Philip Raymund Rivera, Provincial Officer ng NAPOLCOM Pangasinan, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Provincial government ay nakatang isagawa sa Oktubre 28-31 ang pagpapasa ng requirement para sa mga nais sumubok.

Aniya, para sa PNP Entrance Exam, kailangan magdala ng isang valid I.D na may nakalagay na birthdate at address na sila ay residente sa probinsya, dalawang colored passport-size picture na mayroong name tag kung saan nakalagay ang first, middle, at surname. Kailangan din ang original at xerox copy ng transcript of records, diploma, at certificate of graduation. Dapat din mayroong one legal size window envvelop na may P21 worth of stamps at ihanda ang P400 para sa sa exam fee.

--Ads--

Habang para sa promition applicants, kailangan magdala ng PNP I.D, Dalawang colored passport-size picture na mayroong name tag at nakalagay ang rank, first, middle, at last name. Kailangan din ang one legal size window envelope with P21 worth of stamps. Ihanda naman ang exam fee na may halagang P400 para sa 4th Class, P350 sa 3rd Classs, P500 sa 2nd Class at P600 naman para sa 1st Class.

Samantala, first come first serve basis ang pagtanggap ng aplikasyon. Aniya, 1500 ang kanilang target na bilang para sa pnp entrance exam at 500 naman para sa promotional examination applicants.

Maari lamang silang magtungo sa Pangasinan Police Provincial Office sa bayan ng Lingayen para sa processing venue ng mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.