Dagupan City – Dapat ay nilapitan na ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy ang napaulat na Chinese Deep-sea Research Ship na binabaybay ang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ito ang naging sintimiyento ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa nasabing usapin.

Aniya, hindi lang kasi bukod sa kahina-hinala ang naging aksyon ng China kundi lumalabas na in-distress na rin ang mga ito. Dagdag pa ang hindi pagsagot ng mga ito nang tanungin sila ng awtoridad.

--Ads--

Ayon kay Yusingco, dapat inalam ng alagad ng Philippine Coast Guard kung ano nga ba ang ginagawa ng mga napaulat na Unauthorize Vessel sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Matatandaan kasi na bandang alas-6 ng umaga nitong linggo namataan ang PLA Navy vessel 570 o kilala din bilang Chinese frigate Huangshan na nagmomonitor sa naval convoy sa Balikatan exercise 50 nautical miles kanluran ng Palawan.

Samantala, binigyang diin naman ni Yusingco na bukod sa West Philippine Sea, kinakailangan ding protektahan ng bansa ang iba pang bahagi ng karagatan dahil ito ay likas na yaman ng Pilipinas.