Naiproklama na bilang panalo sa fifth district si  Binalonan Mayor  Ramon Guico III  bilang kongresista sa ikalimang distrito ng lalawigan ng Pangasinan.

Tinalo ni Guico  si Incumbent  Congressman Amado Espino  Jr. sa pamamagitan  ng botong  126, 136 habang si Espino ay nakakuha ng  121, 624.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan,  pinasalamatan niya lahat ng sumuporta sa  kanya nitong halalan at nakakatitiyak umano sila na susuklian niya ito ng magandang serbisyo.

--Ads--

Siya ay magiging visible at handang tumugon sa pangangailangan ng mga residente.

Dagdag pa niya na  hindi niya bibiguin ang mga tao  sa pangako nitong magdadala ng maraming investment at makapagbigay ng maraming trabaho.

Kapag marami ang investment ay mas madali umano ang pag unlad  sa kanilang lugar.