BOMBO DAGUPAN – Sisimulan na sa Hulyo ang pagbebenta ng P29 kada kilo na ‘aging’ o nalulumang stocks ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa mga piling Kadiwa Center ng bansa.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, ligtas kainin ng vulnerable sectors ng bansa na pinaglalaanan nito ang naturang mga bigas na umano’y lugi ng P9 kada kilo dito ang pamahalaan.

Ayon kay Lacson, hanggang noong Hunyo 21, ay may naimbentaryo na ang NFA na 12,600 metriko toneladang ‘aging’ stocks ng bigas na maaari pa aniyang kainin.

--Ads--

Pinaalala ni Lacson na lImitado lamang sa vulnerable sectors ang pagbebenta ng naturang bigas na maaari nilang bilhin sa maximum na 10 kilos kada buwan.

Aniya, itong tinatawag na ‘aging’ stocks o naluluma o Laon na tinatawag ay maaaring ibenta o i-dispose ng NFA sang-ayon sa mandato nito bago ang mga ito ay maging unfit for human consumption.

Subalit binigyang- diin pa ng opisyal n na bagama’t tinawag itong ‘aging’ rice o nalulumang bigas na umabot na ng tatlong buwan sa bodega ng ahensya, ang mga ito ay hindi pa talaga maituturing na naluluma na at hindi maituturing na expired at tiniyak niya na ligtas pang kainin ng mga tao.