Dagupan City – ‘Mga manloloko, manlilinlang, at mga corrupt. ‘
Ito ang naging saloobin ni Dindo Rosales, Former Secretary General ng Alyansa Kontra PUV Phase Out sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa usapin na ipatitigil nang pumasada ang mga jeepney na hindi pa nakapag-consolidate.
Ayon kay Rosales, pagod na itong makipaglaban upang mabuwag na ang ipinasang PUV Modernization Program dahil taong 2017 pa nang mag-umpisa ito.
Bagama’t pagod na, inamin ni Dindo na layon nitong mapatigil na ang panukala para ipaglaban ang karapatan ng mga jeepney drivers na nais lamang magkaroon ng trabaho.
Binigyang diin ni Rosales na iisa lamang din aniya ang layunin ng mga ibang jeepney drivers at iba pang samahan na hindi sang-ayon sa PUV Phase-out at ito ay maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang hanap-buhay para sa kanilang pamilya.
Kaugnay nito, inanyayahan naman ni Rosales ang publiko partikular na ang mga samahan, na samahan siya sa kaniyang isinusulong kung saan sa nalalapit na Abril 30 ay pupunta ito sa harapan ng munisipyo ng Marikina upang ipanawagan ang kaniyang sigaw sa pamahalaan.