BOMBO DAGUPAN– Isang ginhawa para sa mga magsasaka ng Bongabon, sa Nueva Ecija ang kamakailang pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Paul Rubio, magsasaka sa nasabing lugar, hinihintay nila tuwing pagsapit ng hapon ang pag-ulan upang matubigan ang kanilang pananim.
Patuloy pa rin kase aniya ang nararanasang mainit na panahon sa kanilang lugar na siyang nagpapatuyo ng mga lupaing tinatamnan nila.
Hindi pa rin nawawala ang kanilang problema sa patubig kaya malaking tulong sa kanila ang pag-ulan.
Samantala, sa papalapit na panahon ng tag-ulan, inihahanda na aniya nila ang mga palay na kanilang itatanim.
Kung nagkulang sila ng patubig nitong El Nino, susulitin naman aniya nila ang pagbagsak ng ulan upang matubigan ang kanilang itatanim.
Gayunpaman, humihiling din sila na hindi ito magdudulot ng problema sa kanila.