DAGUPAN CITY – Inaasahan ang isang makabuluhang pagbabago sa nakatakdang pulong nina US president Donald Trump at Ukraine President Volodymyr Zelensky.
Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent in USA, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, pinlanong mabuti ang gagawing pag uusap at magiging kaabang abang ang nasabing pagkikita dahil kasama ni Zelensky na makaharap si Trump ang mga European leader.
Tatalakayin sa nasabing pulong ang tuluyang pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Dahil sa presenya ng ibang mga lider ay inaasahan na pangkalahatan ng pulong ay magiging productive at constructive
Dati ang nais umano ni Trump ay magkaroon ng ceasefire.
Pero nagbago ang kanyang pananaw at gusto na nito ay magkaroon ng peace deal o peace agreement dahil alam umano ni Trump kung anong gusto ni Putin gayundin kung ano ang nais ni Zelensky.
Kaya wala umanong nangyayaring peace agreement sa pagitan ng dalawang bansa dahil pareho silang ayaw ng compromise kaya mabuti na namagitan dito ang US president upang tuluyan nang mawakasan ang giyera at magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo.