DAGUPAN CITY- Kinansela ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) ang nakatkada sanang power interruption sa araw ng sabado, Pebrero 8 sa anim na bayan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng tanggapan, na ang kanilang pagkansela ay dahil sa mga importanteng aktibidda ng mga bayan na maapektuhan.
Anya na nauna na itong ine-schedule noong nakaraang Enero dahil sa mga aktibidad ng bayan. Kaya naman upang bigyang daan ang mga aktbidad na isasaagwa ng mga local government unit at ang mga klase ng mga mag-aaral ay inilipat na lamang ito sa susunod na sabado, Pebrero 22 sa kaparehong oras na alas sais hanggang alas sais ng hapon.
Ang pagtakda ng power interruption ay Paglipat ng 69kV Pole/Guy #140 sa Poblacion, Aguilar, Taunang pagpapanatili ng power transformer sa Binmaley at Bugallon Substation. Paglilinis ng right of way ng 69kV line sa kahabaan ng Bugallon-Aguilar-Mangatarem-Urbiztondo at ang Pagpapalit ng lock-out relay sa Lingayen Substation. Ito rin ay para sa mas maayos na serbisyo ng Cenpelco sa kanilang mga consumers.
Anya na tuloy na rin ang power interruption sa susunod na sabado at hindi na rin ito ikakansela pa dahil baka mas lalong magkaroon ng problema o aberya sa mga dapat ayusin ng kanilang linya at gayundin ang mga insidente.
Kabilang sa mga makakaranas ng pansamantlang kawalan ng kuryente sa susunod na sabado ay Kabuuang mga munisipalidad ng Bugallon, Aguilar, Lingayen, Binmaley, Mangatarem, at Urbiztondo maliban sa ibang mga barangay nito.