Nagpapasalamat ang isang nakaligtas sa pag-atake sa dalawang mambabatas ng Minnesota at sinabing sila ng kanyang asawa ay lubos na mapalad na buhay pa matapos silang tamaan ng 17 bala.

Matatandaan na binaril si State Senator John Hoffman at ang kanyang asawa na si Yvette sa kanilang tahanan nang madaling-araw noong Sabado, ngunit sila ay nakaligtas.

Habang si Melissa Hortman, top Democratic legislator sa state House at ang kanyang asawa na si Mark, ay nabaril at napatay.

--Ads--

Sa isang pahayag, sinabi ni Yvette Hoffman na labis silang nalulungkot ng kanyang asawang si John sa pagkamatay nina Hortman.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang paghahanap ng mga pulis sa suspek na si Vance Luther Boelter, na nagsuot ng latex na maskara at nagpanggap bilang pulis upang barilin ang mga biktima sa kanilang mga tahanan sa suburban Minneapolis, bago tumakas na naglalakad.