DAGUPAN CITY- Nagtataglay ng nakalalasong kemikal ang ilang mga action-figures o laruang ibinebenta sa merkado, kung saan maaaring maapektuhan ang kalusugan ng mga bata.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Thony Dizon, Campaigner, Ban Toxics delikado ang mga nasabing laruan dahil sa mga inilalabas nitong kemikal tulad ng lead, mercury, arsenic at iba pa.
Aniya, mas malaki ang posibilidad na mas marami pang ibinebentang mga ganitong mga laruan sa mga mas malaking pamilihan, kung saan mas maraming mga custumer ang nahihikayat na bumili.
Sa pagsusuri ng grupo ay nakitaan ito ng sobrang lead content lalo na sa mga may matitingkad na kulay.
Nahababahala dahil hindi rin kumpleto ang product information nito tuald ng manufacturers at kung kailan ginawa.
Sa bansa, ipinagbabawal ang paggamit ng ganitong klaseng mga kemikal dahil sa hatid nito sa kalusugan.
Sa pananaliksik ng grupo ay dapat na i-ban ang mga ganitong laruan dahil bayolente ang inirerepresenta nitong imahe bukod pa sa mga chemical contents nito.
Dapat na tutukan ang nasabing suliranin ng FDA at DTI.
Bukod sa mga national agencies ay dapat na may efforts rin ang mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pagkumpiska ng ganitong mga produkto.